Home METRO Sanggol patay sa pertussis sa Eastern Visayas

Sanggol patay sa pertussis sa Eastern Visayas

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong buwang gulang na sanggol sa Gamay, Northern Samar matapos tamaan ng pertussis, o kilala bilang whooping cough, sinabi ng
Department of Health (DOH).

Ani Jelyn Malibago, DOH information officer sa Eastern Visayas, ang sanggol na namatay noong Abril 11 ay kauna-unahang naitalang pertussis fatality sa rehiyon.

Sinabi ni Malibago na ang sanggol ay nakatanggap ng shots laban sa pertussis, na unang dinala sa Gamay District Hospital at kalaunan ay inilipat sa Northern Samar Provincial Hospital kung saan siya namatay.

Ang pertussis ay isang highly infectious bacterial disease. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang runny nose, nasal congestion, red at watery eyes, fever, cough at extreme fatigue.

May 48 suspected pertussis cases sa rehiyon mula Enero hanggang Abril 18.

Sa mga nasabing bilang, pito ang nagpositibo sa sakit na lumabas sa test results na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine.

Nasa 35 sa mga biktima ay bata edad isa pababa. Tatlumput tatlo sa mga ito ang hindi nakatanggap ng bakuna laban sa pertussis. RNT/JGC