Home METRO Misis pinatay sa saksak ni mister sa CamSur

Misis pinatay sa saksak ni mister sa CamSur

MANILA, Philippines – Kinatay ng sariling mister ang 30-anyos nitong asawa sa Buhi, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, nangyari ang krimen sa bahay ng mag-asawa sa Barangay San Jose Salay ng naturang bayan.

Sa pahayag ng mga kapitbahay, narinig umano nilang nagtatalo ang mag-asawa bago nangyari ang pananaksak ng mister sa kanyang misis.

Pilit na kinukuha ng suspek ang SIM card ng biktima, na pinaghihinalaang nag-ugat ang pananaksak sa matinding selos.

“Parang ganun na nga kasi gawa ng yung SIM card hinihingi. So siguro gustong tuklasin ng lalaki yung SIM card ng babae,” ani Police Staff Sergeant Virgil Bayta, imbestigador ng Buhi Municipal Police Station (MPS).

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek. RNT/JGC