Home METRO P5M alahas ng namatay na amo, tinangay ng caregiver

P5M alahas ng namatay na amo, tinangay ng caregiver

MANILA, Philippines – Arestado ang isang caregiver matapos na tangayin nito ang aabot sa P5 milyong halaga ng mga alahas ng kanyang namatay na amo.

Ayon sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang 45-anyos na suspek sa sa Santa Cruz, Maynila.

Ilan sa mga nawala sa pumanaw na amo ay ang mga gintong bracelet, relo, singsing, mga mamahaling bato, at mga kuwintas na may diyamante, na nakasilid umano sa vault.

Dati nang may arrest warrant ang suspek dahil din sa pagnanakaw.

“May grupo daw sila diumano ng mga yaya at caregiver na pumapasok sa employers pero ang motibo ay pagnakawan ang mga ito sa bandang huli,” sinabi ni NBI-NCR Assistant Regional Director Attorney Joel Tovera sa panayam ng GMA News.

Wala pang tugon ang suspek maging ang mga kaanak ng namayapang amo. RNT/JGC