Home ENTERTAINMENT Record sa BIR, isusupalpal ni Tito sa mga naiinggit!

Record sa BIR, isusupalpal ni Tito sa mga naiinggit!

Manila, Philippines – Mabuting magkaalaman na!

Wari’y tinanggap ni Tito Sotto ang hamon para patunayan ng Eat Bulaga na peke ang kumakalat na balitang nalulugi na raw ang nasabing noontime program kaya magsasara na ito.

Halatang napikon sa galit ang mga Dabarkads sa ikinakalat ng anila’y mga nalinggit lang sa kanilang programa.

Dahil dito, nagbanta si Tito na isusupalpal niya ang kopya ng income tax return na magpapatunay na walang katotohanan ang kumakalat na balita.

“After 45 years, Eat Bulaga magsasara?” panggagatong ni Allan K.

”’Yun ang sabi ng mga sinungalinng,” sagot ni Tito.

Habang tahimik at nangingiti lang si Bossing Vic, knowing Joey de Leon ay hindi maaaring wala itong reaksyon.

Hamon ng tinaguriang Master Henyo, umabot lang daw ng 15 taon ang ibang programa lalo na ‘yung mga taong nagkakalat na magsasara na ang EB ay: “Baka lumuhod pa ako sa harap n’yo!”

Inggit lang daw ang umiiral sa mga taong ‘yon lalo’t nagtala ng bagong milestone ang longest running noontime show sa bansa.

Kabilang kasi sa Top 5 ang EB sa mga programang pinakamatagal nang nasa ere.

Ayon sa talaan, number 1 ang isang soap opera sa Amerika na 56 taong nasa himpapawid.

Sinundan ito ng isang game show sa France na 52 years na on air.

Pumangatlo ang isa pang soap opera sa US na 51 years.

Nasa ikaapat na puwesto ang Eat Bulaga na 44 years nang namamayagpag sa ere.

Ayon kasi sa fake news na kumakalat sa social media, buhat nang hawakan ng Media Quest Holdings/TV5 ang EB ay hindi pa raw kumikita ito.

Taliwas naman ito sa nararamdamang atmosphere sa EB dahil sa tuwa’t saya ng mga

Dabarkads sa tuwing itinatawid nila ang bawat episode.

Hindi nga naman sila natitinag kung nauungusan sila sa ratings ng It’s Showtime sa GMA, na dati nilang tahanan. Ronnie Carrasco IIi