Home ENTERTAINMENT David, tuloy na ang operasyon!

David, tuloy na ang operasyon!

Manila, Philippines – Kasado na ang pagsasailalim ni David Licauco sa operasyon para gamutin ang kanyang sleep apnea.

Sa April 30 nakaiskedyul ang operasyon.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan tumitigil pansamantala ang paghinga ng isang taong mahimbing na natutulog.

Sa kaso ng Kapuso actor na aminadong hirap na hirap na sa kanyang pinagdaraanan, 16 years old pa lang daw siya nang magkaroon ng naturang disorder.

Ayon sa pagkakaintindi ni David, aabutin lang daw ng 15 minutos ang gagawing procedure.

Ito’y kung saan may susunugin daw sa loob ng kanyang ilong para lumuwag ang airway.

Sa pamamagitan daw ng radio frequency ito, na inakala raw niya na noong isang buwan pa siya makaka-recover.

Umaasa naman si David na matagumpay niyang maitatawid ang operasyon.

Samantala, naging usap-usapan lately ang zipper ng pantalong nakalimutan niyang isara.

Nangyari ito nang mag-concert kamakailan ang mga Sparkle artists ss Canada.

Aminado si David na lagi raw kasi siyang nagmamadali kaya nakakalimutan niyang magsara ng pantalon. Ronnie Carrasco III