Home METRO Lalaki patay sa sumpak ng binatilyo

Lalaki patay sa sumpak ng binatilyo

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 18-anyos na lalaki matapos na barilin gamit ang sumpak, ng isang 15-anyos na binatilyo sa Sorsogon City.

Ayon sa ulat, tinamaan ng bala ng sumpak sa dibdib ang biktima na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang narekober naman ang sumpak na pinaniniwalaang ginamit nito sa krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na nagkapikunan ang dalawa dahil sa sumbrero, dahilan para barilin niya ang biktima.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na rin ang mga pamamaraan upang masampahan ng kaso ang sangkot na menor de edad. RNT/JGC