MANILA, Philippines – Nakapagtala ng minor phreatomagmatic eruption sa main crater ng Bulkang Taal ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Huwebes, Oktubre 8.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagsabog ay tumagal ng limang minuto.
Nagbuga ng maitim na usok ang bulkan na umabot sa 4,000 metro ang taas nito.
Sa kabila ng pagsabog, nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC