Home METRO Bumbero sugatan, 11 bahay natupok ng sunog sa Taguig

Bumbero sugatan, 11 bahay natupok ng sunog sa Taguig

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang bumbero habang nilamon ng apoy ang 11 kabahayan sa sunog na naganap Martes ng umaga (Abril 23) sa Taguig.

Base sa inisyal na report ng Taguig Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ang hindi napangalang bumbero ng sugat sa kamay sanhi ng nabasag na salamin habang inaapula ang apoy.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Barangay Fort Bonfacio Zone 3 bago mananghali ngayong Martes at naapula ang apoy mag-aala una ng hapon.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog kung saan naapektuhan ang 15 pamilya o 60 indibidwal.

Sa unang impormasyon na natanggap ng Taguig BFP ang pinanggalingan ng sunog ay naagmula sa nag-overheat na electric fan.

Isa sa mga naging biktima ng sunog ay si Mark Joseph Pede na natupok ang kanyang bahay kabilang ang kanyang inutang na P300,000 na pambili sana ng pampasaherong dyip isang araw bago maganap ang naturang sunog.

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig BFP upang matukoy ang tunay na pinangglingan ng sunog gayundin ang halaga ng pinsala nito. James I. Catapusan