Home ENTERTAINMENT Maine, dismayado sa bagong haircut!

Maine, dismayado sa bagong haircut!

Manila, Philippines- Maiksi na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na magpaputol pa rin nu’ng nasa ibang bansa siya.

Kwento niya, nais niyang ma-experience ang pagpapagupit sa isang sikat na hair salon sa ibang bansa pero nang makita niya ang resulta ay aminado siyang pinagsisisihan niya ito at nadismaya siya.

“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the experience and spontaneity only to regret it later,” caption ni Maine sa kanyang TikTok post.

Ani pa niya, “Post ko pa din, for the occasional TikTok content.”

Sa comment section, maraming netizens naman ang nagsasabing bumagay sa kanya ang bagong hairstyle.

“Okay lang bagay pa rin sa yo maganda ka pa rin Maine Cutie.”

“ANG GANDAAA BAGAYYYY.”

“It’s actually not that bad, it will quickly grow back…for a minute there I thought you had a pixie haircut.”

Sa X, inihayag din ni Maine ang kanyang pagkadismaya at may isang fan pa ang nagsabing, “I like your long hair before @mainedcm…pahabain mo nalang ulit plzzzz…”

Ang sagot naman sa kanya ng misis ni Arjo Mendoza, “I like my short coz it’s so light (but not this short ha), and tbh I don’t think magpapa haba pa ako ever.” Rommel Placente