Home METRO Buntis patay sa pagsagip sa nakuryenteng ina

Buntis patay sa pagsagip sa nakuryenteng ina

124
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang buntis matapos subukang sagipin ang nakukuryenteng ina nito sa kanilang tirahan sa Barangay Arwas, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na naglilinis ng water pump ang nanay ng biktima nang ito ay makuryente.

Sinubukan siyang sagipin ng biktima ngunit maging ito ay nakuryente rin.

Dinala sa ospital si Ella, na walong buwang buntis, ngunit idineklarang patay na. Nasawi rin ang sanggol sa sinapupunan nito.

Samantala, nagpapagaling naman sa ospital ang ina ni Ella. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here