Home NATIONWIDE Siphoning ops sa MT Terranova 5 araw nang suspendido sa masamang panahon

Siphoning ops sa MT Terranova 5 araw nang suspendido sa masamang panahon

MANILA, Philippines – Limang araw nang nasuspinde ang siphoning operation sa motor tanker Terranova sa Bataan dahil sa masamang panahon, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, naoobserbahan naman ang malakas na current at masamang panahon sa ground zero.

Unang sinuspinde ng PCG ang siphoning operation noong Setyembre 2 dahil sa Tropical Cyclone Enteng.

Kabuuang 1,254,889 litro ng oily waste ang nakolekta na mula sa MTKR Terranova mula Agosto 19 hanggang Setyembre 1.

August 19 – 2,350 liters
August 20 – 36,100 liters
August 21 – 42,026 liters
August 22 – 81,136 liters
August 23 – 17,103 liters
August 24 – 121,724 liters
August 25 – 101,603 liters
August 26 – 104,202 liters
August 27 – 67,871 liters
August 28 – 32,187 liters
August 29 – 97,011 liters
August 30 – unloading ng oily waste
August 31 – 129,292 liters
September 1 – 222,292 liters

Sinabi ng PCG na ang mga material na nakuha mula sa MTKR Terranova ay oily waste at hindi purong industrial fuel.

Ang motor tanker ay may dalang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito sa dagat ng Limay, Bataan.

Isang crew ang nasawi at 16 iba pa ang nasagip matapos lumubog ang motor tanker sa 3.6 nautical miles east ng Lamao Point sa Limay noong Hulyo 25.

Bukod sa MTKR Terranova, tinugunan din ng PCG ang MTKR Jason Bradley na lumubog din at ang sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden