Home NATIONWIDE ‘Pag napatunayang guilty sa money laundering: Guo, iba pa makukulong ng 560...

‘Pag napatunayang guilty sa money laundering: Guo, iba pa makukulong ng 560 taon

MANILA, Philippines – Posibleng makulong nang hanggang 560 taon si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pang akusado kung mapatunayang guilty sa money laundering, sinabi ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) nitong Huwebes, Setyembre 6.

“Under the Anti-Money Laundering Act, the commission of money laundering carries with it the penalty of imprisonment. For Sections A, B, and C, from 7 years to 14 years per count,” pagbabahagi ni Atty. Adrian Arpon ng AMLC sa Senate Committee on Justice and Human Rights.

Ang AMLC, kasama ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ay naghain ng 87 counts ng money laundering laban kay Alice, kapatid nitong si Shiela Guo, Casssandra Li Ong, at 28 iba pa sa umano’y kaugnayan ng mga ito sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Matapos makuha ang kumpirmasyon mula kay Arpon, sinabihan ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros, chairman ng subcommittee handling the inquiry, si Shiela Guo at iba pang akusado na maaari silang makulong nang mahigit pa sa habambuhay.

“So, kahit kunin natin yung 7 years minimum times 87, eh medyo matagal-tagal po yun. Ano po ba yun? 560 years more or less? Thereabout. So, medyo lampas na po sa isang lifetime kahit dun sa minimum 7 years, kahit sa isang count lamang,” ani Hontiveros.

“Pag-isipan niyo po sana nang mabuti Ms. Shiela yung narinig niyong sagot ng AMLC sa atin,” dagdag niya.

Sinabi ni Hontiveros sa pagsisimula ng pagdinig na inaasahan niyang madidiskubre ng panel kung sino-sino ang mga tumulong kay Guo at Ong na makapagtayo ng POGO.

“Slowly we are seeing the full extent of the criminal activities of this sham and dismissed mayor. At malapit na rin nating maungkat sino ang mga tumulong, nagpayaman, nag-enable, at sa mga nakalipas na buwan at linggo, kumupkop sa kanya.” RNT/JGC