Home NATIONWIDE Bus company inireklamo sa pambabastos sa PWD, animal cruelty

Bus company inireklamo sa pambabastos sa PWD, animal cruelty

MANILA, Philippines – Magpapalabas ng show cause orders ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa Pangasinan Solid North Transit Inc. matapos ang dalawang reklamo online.

Ayon sa isang pasahero, tinawanan ng konduktor ang kanyang anak at tinawag na “pipi.”

Sa isa pang reklamo, inihagis umano ng konduktor ang cat carrier sa baggage compartment habang nagbibiro pa tungkol sa posibilidad na mamatay ang alaga sa init.

Bumaba ang pasahero bago pa makarating sa destinasyon.

Ayon kay LTFRB spokesperson Ariel Inton, maaaring patawan ng parusa, suspensyon, o pagbawi ng prangkisa ang operator, aniya,

“Hindi lang administrative case ang maaaring ipataw roon. Yan din ay criminal case.”

Naghayag din ng suporta ang Philippine Animal Welfare Society para tumulong sa paghahain ng reklamo ng may-ari ng pusa. Santi Celario