Home METRO Mga plastik bawal na sa QC City Hall

Mga plastik bawal na sa QC City Hall

MANILA, Philippines – Simula Abril 21, 2025, ipinagbabawal na ang paggamit ng single-use plastics at mga disposable na materyales sa loob ng Quezon City Hall at iba pang pasilidad na pinapatakbo ng local government unit, ayon sa Executive Order No. 3.

Hindi na pinapayagan ang mga plastic bag, styrofoam, PET bottles, at mga disposable na kagamitan.

Kailangang magdala ng reusable containers ang mga empleyado para sa takeout, at papayagan lamang ang food deliveries na may plastic packaging kung isasauli ito sa Trash to Cashback booth.

Papatawan ng parusa ang mga vendor na hindi susunod, habang maaaring makatanggap ng reprimand ang mga empleyado.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, “Plastic waste clogs our drainage systems and contributes to severe flooding… Plastic even chokes our marine animals.” Santi Celario