MANILA, Philippines – Patay ang drayber ng isang bus na byaheng Bicol habang sugatan ang 9 iba pa sa naganap na vehicular accident sa Maharlika Highway, Pagbilao, Quezon.
Sa ulat ng Quezon police, minamaneho ni “Manuel” ang DLTB bus nng magkamali ito ng tantsa sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Ibabang Palsabangon, 10:30 ng gabi nitong Martes, Abril 9.
Tinamaan ng bus ang dalawang bahay sa gilid ng kalsada, isang puno ng mangga, motorsiklo, tricycle at kable ng kuryente.
Nagtamo ng seryosong pinsala sa ulo at katawan ang driver na dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Walong pasahero naman ang nasugatan at isa sa mga nabanggang tirahan.
Ayon sa pulisya, bukas sa kasunduan ang mga nadamay sa aksidente. RNT/JGC