Home NATIONWIDE Walang PDL na naospital sa sakit sa tag-init – BJMP

Walang PDL na naospital sa sakit sa tag-init – BJMP

MANILA, Philippines – Wala pang naoospital na persons deprived of liberty (PDLs) sa kabila ng mga iniulat na kaso ng summer disease at iba pang mga sakit sa mga piitan, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Miyerkules, Abril 10.

Sa mensahe, sinabi ni BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustinera na nasa kabuuang 2,620 summer diseases ang naitala sa mga PDL noong Marso.

Nangunguna rito ang acute gastroenteritis na may 1,466 kaso, bulutong na may 600 kaso, at gastritis sa 554 kaso.

Samantala, naitala rin ang 2,578 kaso ng hypertension, at 1,673 toothache cases noong nakaraang buwan.

“However, we are expecting lesser cases than last year due to the decreased population and congestion rate of our facilities. Compared to 127,000 PDLs (370 percent congestion rate) last year, we have 118,000 (334 percent congestion rate) this year,” ani Bustinera.

“Of the 482, (some) 326 jails are congested, 156 jails are not congested while another 142 facilities are newly built,” dagdag pa niya.

Mula Marso hanggang Mayo noong nakaraang taon, nakapagtala ang BJMP ng 13,269 kaso ng sakit sa mga inmate, 4,545 sa mga ito ang bulutong.

Siniguro naman ni Bustinera na tinutugunan na ito ng ahensya, kabilang ang paglalagay ng industrial fans, exhaust fans at air shafts sa mga pasilidad. RNT/JGC