Home METRO Bus lanes, tunnel construction sa Commonwealth Ave. sinisilip ng MMDA

Bus lanes, tunnel construction sa Commonwealth Ave. sinisilip ng MMDA

MANILA, Philippines- Pinag-usapan sa social media ang Commonwealth Avenue dahil sa lumalala nitong traffic congestion. 

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 18,000 sasakyan ang dumaraan dito kada araw tuwing peak morning hours. 

Sa bilang na ito, 10,000 ang patungo sa Quezon Avenue, habang 8,000 ang tinatahak ang daan patungo sa East Avenue.

Bilang tugon sa traffic congestion problem, inanunsyo ni MMDA Chairman Don Artes ang planong magtayo ng underground tunnel bilang potensyal na solusyon.

“Ang isa sa mga inaaral ang maglagay po ng tunnel mula Commonwealth diretso na sa East Avenue o Quezon Avenue. Dadaan siya sa ilalim ng Elliptical Circle,” anang opisyal.

Kinokonsidera rin ng ahensya ang pagpapatupad ng bus carousel system sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, katulad ng kasalukuyang umiiral sa EDSA.

“Nakakarating naman sa amin yang obeserbasyon na pabigat ng pabigat ang trapik sa Commonwealth tinitignan po natin kasama dyan yung paglalagay ng bus lane,” ani Artes. RNT/SA