Home NATIONWIDE Shiela Guo isasailalim sa kustodiya ng BI

Shiela Guo isasailalim sa kustodiya ng BI

Humarap at nagsalita na si Shiela Guo, kapatid ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo sa pagdinig ng Senado nitong Martes, Agosto 27. CESAR MORALES

MANILA, Philippines- Pinalaya na si Shiela Guo, naiulat na kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, mula sa Senate custody nitong Martes matapos kalusin ng Committee on Women na nag-iimbestiga sa illegal POGOs ang contempt order laban sa kanya.

“Shiela Guo, the Senate’s contempt order on you is lifted and I direct the OSAA (Office of Senate Sergeant-at-Arms) to transfer your custody to the [Bureau of Immigration] pursuant to the mission order issued by the Bureau against you,” pahayag ni Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng panel.

Kinontemp si Shiela at ipinaaresto noong July 13, kasama si Alice at iba pang indibidwal, dahil sa hindi nila pagdalo sa imbestigasyon nito.

Kalaunan ay nadiskubreng tumakas ang magkakapatid na Guo sa Pilipinas sa parehong linggo.

Nadakip si Shiela sa Batam, Indonesia noong Agosto, at itinurn-over sa Senado upang dumalo sa mga pagdinig nito. Nahaharap siya sa mga reklamo sa BI para sa umano’y immigration violations. RNT/SA