Home NATIONWIDE Business establishment dapat kumuha ng fire permit

Business establishment dapat kumuha ng fire permit

MANILA, Philippines – PINAALALAHANAN ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko ang pangangailangan kumuha ng fire permit ang isang business establishment upang maprotektahan ang buhay at ari arian sa sandaling dumating ang sakuna ng sunog gaya ng isinasaad sa Building Code.

Ito ang sinabi ni FCSUPT Nahum B. Tarroza, regional director ng National Capital Region (NCR) na nagpaalala sa publiko sa pangangailangan kumuha ng fire permit ang mga magtatayo ng kanilang negosyo.

Sa isinagawang Media Interfacing ng Bureau of Fire Protection(BFP) sa BFP Headquarters sa Quezon City, sinabi ni CSupt Tarroza na maiiwasan ang sakuna kung sumusunod ang bawat establisyemento sa pagkaha ng fire permit.

Ibinigay na halimbawa ni NCR director na naiwasan sana ang pagkasawi ng labing-isa (11) katao matapos ma-trap sa nasunog na naganap sa gusali sa Binondo, Maynila na nagsimula umano ang apoy sa isang karinderya kung saan may sumabog umano ng LPG kung sumunod ito sa Building Code gaya ng pagkuha ng fire permit.

“Maiiwasan sana ang ganitong sakuna kung sumusunod ang mga establisyemento sa Building Code gaya ng pagkuha ng fire permit sa kanilang mga negosyo,” ayon pa kay Tarroza.

Sinabi pa ni Tarroza na dapat din ipatupad at i-require na magkaroon ng inspection ang mga bumbero sa bawat establisyemento na hindi dapat ini-schedule ang fire inspection tulad ng nakasaad sa Building Code.

“Karamihan ng mga naganap na sunog sa Metro Manila ay dahil sa hindi pagsunod sa Building Code,” dagdag pa ni Tarroza.

Ayon pa sa BFP NCR director, nitong January hanggang August 2024 ay naitala ang 2,457 na sunog na naganap at karamihan umano dito ay ang hindi pagsunod sa Building Code. Santi Celario