Home NATIONWIDE Busway stations sa Cubao at PITX, target ng DOTr

Busway stations sa Cubao at PITX, target ng DOTr

277
0

MANILA, Philippines – Balak ng Department of Transportation na magtayo ng mga bagong busway stations sa Cubao, Quezon City at Parañaque Integrated Terminal Exchange pagsapit ng 2026, bilang bahagi ng mga proyektong nakatuon sa mga commuter. Kasama rin dito ang pagsasaayos ng mga istasyon sa Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe.

“Kaya nga pinili natin yun as two new stations kasi nga madaming sumasakay,” ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon. Tinatayang nasa 250,000 na pasahero ang nakikinabang sa busway araw-araw.

“Tama na yung pagiging car-centric natin sa pag-iisip natin sa transport infrastructure, kailangan maging commuter-centric naman tayo,” dagdag niya.

Ipinunto naman ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang kakulangan sa access para sa mga may kapansanan, kababaihan, bata, nakatatanda, at mga buntis. “Tingnan po natin, ipinapaubaya ko po sa mga eksperto kung ano po ang magandang solusyon,” aniya.

Palitan din ng pamahalaan ang mataas na overpass sa Kamuning, Quezon City. Gayunman, naapektuhan ng ₱100 bilyong bawas sa pondo ngayong taon ang mga malalaking proyekto gaya ng Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway. Ayon kay Pangandaman, inilipat ng Kongreso ang pondo sa ibang prayoridad.

“Naka-pool yung lahat ng binawas, and then ilalagay nila sa mga programs and departments na priority nila during that time,” paliwanag niya.

Ang pondo para sa pagsasaayos ng EDSA busway ay kinuha mula sa continuing appropriations o mga pondong hindi nagamit noong nakaraang taon. Naisumite ng Department of Transportation ang panukalang ₱200 bilyong budget para sa susunod na taon, at umaasang hindi na ito babawasan, lalo’t may plano ring paunlarin ang bike lanes at mga pasilidad ng pampublikong transportasyon sa Quezon City. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here