Home METRO Pamamaril sa iskul sa N. Ecija, iniimbestigahan na ng awtoridad

Pamamaril sa iskul sa N. Ecija, iniimbestigahan na ng awtoridad

227
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng pulisya sa Central Luzon ang pamamaril sa isang 15-anyos na estudyante sa loob ng silid-aralan sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Police Regional Office 3, naganap ang insidente bandang 10:45 a.m. sa Barangay Rizal. Pumasok umano sa silid-aralan ang suspek na si “Leo,” bumunot ng .22-caliber na baril, at binaril sa leeg ang biktimang si “Lea” bago binaril ang sarili.

Agad dinala sa ospital ang dalawa, ngunit hindi pa inilalabas ang kanilang kalagayan.

Sinabi ni Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones na patuloy ang imbestigasyon sa motibo at kung paano nakuha ng suspek ang baril.

“Ang nakakabahalang insidenteng ito ay paalala ng kahalagahan ng pagbibigay-proteksyon sa ating mga paaralan at ng seryosong pagtutok sa emosyonal at sikolohikal na kalusugan ng kabataan,” ani Peñones.

Katuwang ng pulisya ang paaralan at mga magulang ng mga sangkot upang masolusyunan ang kaso at maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Nag-aalok na rin ng crisis intervention services at tinitiyak ng pulisya ang kaligtasan ng iba pang mga estudyante. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here