Home METRO Buwaya nahuli ng mga residente ng Rio Tuba sa Palawan

Buwaya nahuli ng mga residente ng Rio Tuba sa Palawan

323
0

PALAWAN, Philippines – Nagkaisa ang mga residente ng Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan para hulihin ang isang saltwater crocodile (Crocodylus porosus) na nakapasok sa kanilang komunidad.

Naulat na nawawala na ang 15 aso sa kanilang lugar bago mahuli ang buwaya.

Ayon kay Samuel Pagadora, isa sa mga residente na tumulong sa paghuli, tinakpan nila ang ulo ng buwaya gamit ang tela at tinali ang bibig nito bago hilahin pabalik sa pampang.

Pagkatapos mahuli, dumating ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang suriin ang buwaya, na may maraming sugat at mataas ang stress level. Inilipat nila ito pabalik sa Puerto Princesa City, at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Palawan Wildlife Rescue Center.

Ayon kay PCSD spokesperson John Vincent Fabello, delikado ang ginawa ng mga residente dahil eksperto lamang ang may karapatang manghuli ng buwaya, lalo na kung ito ay endangered species.

Hindi rin ito ang unang pagkakataon na may buwaya sa komunidad. Noong Oktubre, isang lalaki ang namatay matapos atakihin ng buwaya habang natutulog sa kanyang bangka sa Sitio Marabahay, Rio Tuba.

Sinabi rin ni Pagadora na minsan ay makakita sila ng dalawa o higit pang buwaya sa ilog kahit sa araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here