Home METRO Christmas stamps na nagtatampok ng Filipino-Inspired Nativity scene inilunsad ng PHLPost

Christmas stamps na nagtatampok ng Filipino-Inspired Nativity scene inilunsad ng PHLPost

297
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng  Philippine Postal Corporation (PHLPost), sa pangunguna ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III, kasama si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Vice Mayor Chie Atienza,  ang 2025 Christmas Stamps na may tampok na “The Nativity”—isang makulay na paglalarawan ng kapanganakan ni Jesus Christ na inspirado sa mga minamahal na tradisyon ng Pasko ng Pilipino.

Ang paglulunsad ng selyo ay ginanap kasabay ng seremonon ng Pailaw ng Pasko sa Kartilya ng Katipunan (City Hall Park) noong Biyernes, Disyembre 5.

Isang ‘Pagkilala sa Pananampalataya at Tradisyon ng Pilipino,  ang tampok na likhang-sining ay nagha-highlight sa Belen, ang tradisyong Pilipino na paglalarawan ng eksena ng Nativity, na naglalarawan sa Pamilya ng Diyos—Mary, Joseph, at ang sanggol na si Jesus sa sabsaban—kasama ang Tatlong Pantas.

Sumisimbolo ang ilustrasyon  sa kahalagahan ng pamilya, pananampalataya, at pag-asa sa pagdiriwang ng Pasko sa buong bansa.

“Ang Nativity Stamp ay isang pagpupugay ng PHLPost sa malalim na pananampalatayang Kristiyano ng bansa,” sabi ni Postmaster General Sta. Maria.

“Sa pagtampok sa mapagpakumbabang kapanganakan ni Jesus Christ, inaasahan naming paalalahanan ang bawat Pilipino ng mensahe ng pag-asa, pagpapakumbaba, at pagmamahal na dala ng Pasko.”

Disenyo at Tampok ng Selyo ang 2025 Christmas Stamp ay may sukat na 50 mm x 35 mm at nagtatampok ng espesyal na gold foil embellishments upang bigyang-diin ang mga sagrado at masayang elemento ng disenyo.

Ang likhang-sining at layout ay ginawa ng in-house graphic artist ng PHLPost na si Eunice Dabu.

 “Ang selyong ito ay higit pa sa isang pagdiriwang ng ating pananampalataya—ito ay isang paanyaya na pag-alabin ang ating mga pinagpalunang pagpapahalaga ng pagkakaisa, debosyon, at habag sa panahon ng pinakamasayang panahon ng taon,” dagdag ni Sta. Maria.

Binigyang-diin ng PHLPost na ang bawat selyo ay isang kayamanan ng kultura—nagdadala ng mga kwento, kasaysayan, at pagkakakilanlan sa mga susunod na henerasyon.

Ang paglulunsad ay kasunod ng kamakailang pagdiriwang ng National Stamp Collecting Month, kung saan ipinakita ng mga kolektor ang kanilang mga koleksyon upang itaguyod ang philately at buhayin ang interes sa pagsulat ng liham, lalo na sa mga kabataan.

Samantala, dumalo sa nasabing paglulunsad at  pagappailaw sa giant Christmas Tree  sa Kartilya ng Katipunan  at sa pormal na pagbubukas ng Paskuhan sa Maynila ang iba pang matataas na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here