MANILA, Philippines – Tuminta ng kasunduan ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Clark International Airport Corporation (CIAC), at Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA) sa pagtatatag ng Clark Aviation Campus.
Sa kalatas nitong Sabado, Hunyo 14, sinabi ng CAAP na ang memorandum of understanding (MOU) ay pinirmahan kasama ng CIAC at PhilSCA nitong Biyernes, Hunyo 13 sa Civil Aviation Training Center sa Pasay City.
Magbibigay ang CAAP ng technical support sa CIAC at ipatutupad ang programa para palakasin ang regulatory frameworks, habang ang CIAC naman ay magbibigay ng kaukulang datos at impormasyon.
Sa ilalim din ng kasunduan, ang PhilSCA ay magbibigay ng training, expertise at advanced technical instruction sa aviation.
Inilarawan ni CAAP Director General retired Lt. Gen. Raul Del Rosario ang campus bilang
forward-looking project na magsisilbing hub para sa excellence, innovation at training para matulungang hubugin ang susunod na henerasyon ng skilled aviation professionals.
Naaayon din ang kolaborasyon sa atas ng pamahalaan ng disentralisasyon ng aviation development at palawakin ang potensyal ng regional hubs gaya ng Clark.
“CAAP affirms its full support and commitment to the success of the Clark Aviation Campus, recognizing its vital role in cultivating a robust aviation workforce and advancing the country’s aviation education.” RNT/JGC