Naaresto ng pinagsamang operatiba ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at PNP Cavite Maritime Police Station ang dalawang suspek na tinaguriang high-value drug personalities sa isinagawang buy-bust operation sa isang parking lot ng isang mall sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite. DANNY QUERUBIN
MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal.
Naganap ang operasyon nitong Sabado, Hunyo 14, 11:30 ng umaga sa parking lot ng isang mall sa Barangay Molino IV, Bacoor City, ayon sa pahayag ng PDEA.
“More or less 1000 grams of suspected shabu worth P6,800,000 and buy-bust money were confiscated by the operatives,” sinabi pa ng ahensya.
Kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina “Jamal,” 19; at “Khalil,” 30, mga residente ng Quezon City.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act. RNT/JGC