Home NATIONWIDE CAAP nag-isyu ng NOTAM kasunod ng pagputok ng Bulkang Bulusan

CAAP nag-isyu ng NOTAM kasunod ng pagputok ng Bulkang Bulusan

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap) nitong Martes sa aircraft pilots na huwag magpalipad malapit sa bulkang Bulusan sa Sorsogon matapos ang phreatic eruption nito.

Sa Notice to Airmen (Notam) na inisyu noong Martes ng umaga, itinakda ng Caap ang vertical limits sa bulkan mula sa “surface up to 10,000 feet.”

“Flight operators are advised to avoid flying near the volcano due to the potential hazards posed by volcanic ash,” saad sa abiso ng Caap kasabay ang pagpapalabas ng Notam.

Anang Caap, epektibo ito mula alas-7:56 ng umaga ng Martes April 29, hanggang alas-5:21 ng umaga sa Miyerkules, April 30.

Pumutok ang  bulkang Bulusan dakong alas-4:36 ng umaga noong Lunes. RNT/SA