MANILA, Philippines – Nagbabala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Miyerkules, Disyembre 11 sa publiko na isumbong ang mga fraudulent solicitation act na ginagawa ng mga indibidwal na nagpapakilalang opisyal ng ahensya.
Ang abiso ay kasunod ng ulat na ilang indibidwal ang nagsosolicit ng financial assistance at nagpapakilalang mga opisyal ng CAAP.
“The Authority reiterates its public advisory for the general public and all its stakeholders that CAAP officials and personnel have never and will never solicit goods and/or money from any private person or entity,” saad sa pahayag ng CAAP.
“We further urge the public to remain vigilant and exercise caution,” dagdag pa.
Sinabi rin ng CAAP na ang official communications at issuances ay matatagpuan lamang sa kanilang official website at Facebook page. RNT/JGC