MANILA, Philippines – Muling nagkamit ng karangalan ang Remate News Central makaraang gawaran ito ng Excellence in Journalism ng Diamond Excellence Award.
Ang Diamond Excellence Award ay isang award-giving body na naglalayong kilalanin ang mga indibiduwal at grupo na nagpakita ng dedikasyon at angking galing sa kani-kanilang mga larangan.
Nitong Lunes, Disyembre 9, ay tinanggap ni Dennis Paule, Remate News Online Chief ang ‘Excellence in Journalism’ sa awards night na ginanap sa Golden Ballroom ng Okada Manila.