MANILA, Philippines – Nag-isyu ang Commission on Elections (Comelec) ng mga bagong panuntunan at regulasyon sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9006, o Fair Election Act of 2001, para palakasin ang malaya, maayos, matapat, mapayapa at credible na midterm election sa susunod na taon.
Inisyu ang Comelec Resolution No. 11086 noong Disyembre 9 at inilabas sa media nitong Miyerkules, na naglalaman ng mga kaparehong probisyon kaugnay sa fair election practices sa Resolution No. 10730, na promulgated ng 2022 elections.
Sa kabila nito, may ipinakilalang mga bagong item sa political campaigns.
Ang mga kandidato at political parties ay mayroong 72 oras bago magsimula ang campaign period para alisin ang lahat ng ipinagbabawal na uri ng propaganda kabilang ang mga pangalan, imahe, logo, brand, insignias, initials at iba pang uri ng graphical representations sa lahat ng pampublikong istruktura at pampublikong lugar.
Magsisimula ang campaign period para sa senatorial and party-list candidates starts sa Pebrero 11, 2024, at sa Marso 28 para sa congressional, provincial, city at municipal hopefuls, kabilang ang mga tatakbo sa Bangsamoro Parliament.
Nagbibigay regulasyon din ang bagong resolusyon sa duration at location ng campaign propaganda na inilagay sa outdoor static at light-emitting diode (LED) billboards.
Ang mga kandidatong tatakbo para sa national position ay hindi dapat magkaroon ng mahigit dalawang buwan ng outdoor advertisement sa static o LED billboard.
Hindi rin papayagan na magkaroon ng billboard advertisements ang mga kandidato o Partido sa radius na 1 kilometro sa bawat isa.
Para sa local na kandidato, limitado lamang ng isang buwan ang haba ng billboard advertisement at may radius limit na 500 meters.
Dagdag pa, obligado na rin ang mga kandidato ngayon na maglagay sa kanilang printed campaign materials ng: “This material should be recycled or disposed of responsibly.”
At dapat itong tumugon sa local government legislation na namamahala sa mga plastic at iba pang kaparehong gamit.
Pagtatapos, ang bagong resolusyon ay nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga mamamahayag na nagcocover ng eleksyon.
Sinasaad sa Section 13 na ang sinumang tao na makagawa ng karahasan laban sa sinumang miyembro ng news media, katulad ng torture, physical harm, arbitrary detention, enforced disappearance, intimidation, harassment, threat at iba pang analogous forms of violence, ay mananagot sa election offense.
Tinukoy ng Omnibus Election Code ang election offense bilang isang krimen na nagreresulta sa pagkakulong ng hanggang anim na taon, perpetual disqualification sa pag-upo sa anumang pampublikong pwesto, at aalisan ng karapatang makaboto. RNT/JGC