MANILA, Philippines – PINAGHAHANDAAN na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagdiriwang ng Bagong Taon matapos matiyak na ang mga pasahero ay nakaranas ng maayos at mabilis na paglalakbay sa mga peak days ng Christmas travel operations.
Iniuugnay ng CAAP ang tagumpay nito sa pinahusay na pagpaplano, proactive na hakbang, at pakikipagtulungan sa mga stakeholder ng paliparan.
Ayon sa CAAP, ang pagtaas ng holiday traffic ay natugunan ng mga streamlined na proseso, kabilang ang mas mabilis na pag-check-in, pinahusay na baggage handling, at mas mahusay na pamamahala sa daloy ng pasahero.
“Christmas is one of the busiest times of the year, and we’re delighted to have provided seamless travel experiences for Filipinos and international visitors. Our efforts reflect our commitment to operational excellence, even under peak demand,” ani CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo.
Habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, sinabi ni Tamayo na mananatili sa heightened alert ang CAAP para mapanatili ang ligtas at mahusay na serbisyo sa paliparan, alinsunod sa direktiba ng Department of Transportation na Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2024.
Nabatid na mas pinalakas ng CAAP ang mga protocol nito upang matiyak ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga manlalakbay.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga pasahero na sundin ang mga alituntunin sa paglalakbay, dumating nang maaga para sa kanilang mga flight, at maging maingat sa mga ipinagbabawal na bagay upang makatulong na mapanatili ang maayos na operasyon sa paliparan.
Inaasahan ng CAAP ang pagtaas ng 7 hanggang 10 porsiyento sa mga pasahero sa himpapawid ngayong taon kumpara sa 2.4 milyong pasahero na naitala noong Disyembre ng nakaraang tao. JAY Reyes