BACOLOD CITY- Patay sa umano’y pananaksak ng isang karpintero ang 27-anyos na miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary noong Bagong Taon sa Purok Cubay, Barangay Santa Rosa, Murcia, Negros Occidental.
Sinabi ni Police Capt. Honey Labaro, deputy chief ng Murcia Municipal Police Station, na binalaan ng 33-anyos na biktima ukol sa ingay ng kanyang open pipe motorcycle.
Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahilan upang saksakin ng suspek ang biktima sa kaliwang kili-kili. Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya idineklarang patay.
Narekober ang murder weapon –isang folding knife – sa crime scene at nadakip na ang suspek sa pursuit operation. RNT/SA