Home METRO Cagayan niyanig ng 2 offshore earthquakes

Cagayan niyanig ng 2 offshore earthquakes

0
Cagayan niyanig ng 2 offshore earthquakes

MANILA, Philippines- Tumama ang dalawang lindol sa Calayan, Cagayan nitong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naganap ang una nitong alas-12:54 ng madaling araw at may magnitude na 5.5.

Ang epicenter ay matatagpuan sa 19.20°N, 121.13°E – 013 km N 39° W ng Dalupiri Island.

Tectonic ang lindol at may lalim na 15 km.

Naramdaman ang Intensity V sa Calayan Island sa Cagayan.

Naranasan naman ang Intensity III sa Pagudpud, Pasuquin, Bacarra, Laoag City, at San Nicolas sa Ilocos Norte.

Walang inaasahang pinsala subalit nakaamba ang aftershocks, base sa PHIVOLCS.

Samantala, naganap ang ikalawang lindol ng ala-1:18 ng madaling araw at may magnitude na 5.8.

Ang epicenter ng lindol ay matatagpuan sa 19.71°N, 120.93°E – 073 km N 24° W ng Dalupiri Island.

Tectonic din ito at may lalim na 48 km.

Naramdaman ang Intensity V sa Calayan, Cagayan, habang Intensity IV naman sa Pasuquin, Bacarra, at San Nicolas sa Ilocos Norte.

Samantala, naitala ang Intensity III sa Batac City, Ilocos Norte.

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala subalit nagbabadya ang aftershocks. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here