MANILA, Philippines – Inaasahang tatama sa Cagayan Valley o Aurora sa Lunes, Nobyembre 10 ang isang super typhoon.
Sa ulat ng PAGASA, namataan ang tropical depression sa layong 1,835 kilometro silangan ng northeastern Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras at inaasahang kikilos pa-hilagang kanluran pagsapit ng Huwebes.
Maaari itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Biyernes o Sabado na tatawaging Uwan.
“After that, kikilos generally west-northwest, ka-level ng Bicol region. Pagsapit ng Sabado, aakyat ito bahagya, pa west-northwest moving towards dito sa northern or Central Luzon,” sinabi ni Pagasa weather specialist Benison Estareja.
“Maaaring sa mainland Cagayan Valley or Aurora magkaroon ng landfall scenario itong tatawagin nating Bagyong Uwan pagsapit ng Lunes ng umaga,” dagdag pa niya. RNT/JGC