Home HOME BANNER STORY Cagayan Valley, naka-blue alert sa LPA

Cagayan Valley, naka-blue alert sa LPA

297
0

SAN GUILLERMO, Isabela – Nakataas ngayon ang Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC) sa Blue Alert Status dahil sa banta ng Low Pressure Area (LPA) na posibleng maging isang ganap na bagyo.

Sa ngayon ay inaatasan ni CVDRRMC Chairperson Retired PBGen. Leon Rafael Jr. ang lahat ng ahensyang miyembro ng konseho na magsumite ng regular na situational reports tungkol sa epekto ng LPA sa kanilang lugar.

Kasabay nito, ipinag-utos na sa lahat ng lokal na DRRMCs sa mga lalawigan, lungsod, at munisipyo sa Rehiyon 2 na magtaas ng Blue Alert sa kani-kanilang mga tanggapan.

Mahigpit din ang tagubilin sa mga ahensya at LGUs na magbigay ng impormasyon sa publiko gamit ang lahat ng plataporma tulad ng TV, radyo, social media, at barangay announcements.

Magbigay ng malinaw na abiso at safety protocols sa mga komunidad, lalo na sa mga maaaring ilikas.

Maghanda ng Go Bag, i-monitor ang mga lugar na madaling bahain o gumuho—partikular sa may mga ilog at daluyan ng tubig—ihanda ang mga evacuation centers, maghanda sa posibleng suspensyon ng klase at trabaho, at preemptive evacuation kung kakailanganin, at magsagawa ng assessment sa mga kalsada at tulay at maglatag ng detour plans.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na nakararanas ng makulimlim na kalangitan at pabugso-bugsong pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region o Region 02. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here