MANILA, Philippines – Nakataas ngayon ang Yellow Rainfall warning sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Rizal, Bulacan, Zambales, at ibang bahagi ng Batangas ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ito ay dahil sa habagat na nagdadala ng panaka-nakang pag-ulan na maaaring magdulot ng baha sa mga mababang lugar. Hinihila din nito ang Low Preasure Area (LPA) na binabantayan pa ng PAGASA sa bahagi ng Luzon.
Ang ibang local government units ay nag-anunsyo ng pag sususpinde ng klase ngayong Huwebes, Hulyo 3 ng umaga.
CAGAYAN
– Aparri – all levels (public and private)
– Camalaniugan – all levels (public and private)
– Sto. Niño – all levels (public and private)
METRO MANILA
– Pasig – Online and in-person classes from pre-school to senior high school (public and private)
– Valenzuela – Online and in-person classes for kindergarten to senior high school (public and private); in-person classes for college (public and private)
CAVITE – all levels (public and private)
Asahan pa ang patuloy na pag-ulan sa mag-hapon. RNT/MND