MANILA, Philippines – Napanalunan ng isang bettor ang P46 million Megalotto 6/45 jackpot nitong Miyerkules, Hulyo 2, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang nakahula ng Megalotto 6/45 ay may combination numbers na 38-07-16-44-15-42 at may P46,134,409.20 na jackpot prize.
Samantala, walang nakakuha ng Grandlotto 6/55 jackpot prize na nagkakahalagang P29,700,000 na may combination number na 11-29-13-48-20-09. RNT/MND