Home NATIONWIDE Calamity funds, gamitin sa Cebu quake – DBM

Calamity funds, gamitin sa Cebu quake – DBM

316
0

MANILA, Philippines – Maaaring gamitin agad ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang Quick Response Funds (QRF) para sa pagtugon sa mga naapektuhan ng 6.9-magnitude na lindol sa Cebu.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang agarang tulong at rehabilitasyon sa mga komunidad na naapektuhan ng malakas na lindol, hinimok ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na agad gamitin ang QRF ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon sa DBM, ang mga ahensya na may nakalaang QRF ay ang Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense–Office of Civil Defense (DND–OCD), Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Transportation–Philippine Coast Guard (DOTr–PCG), National Irrigation Administration (NIA), at Department of Agriculture (DA).

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) ay mayroong P8.008 bilyong pondo na nakalaan upang suportahan ang emergency relief at rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, kabilang ang pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga pampublikong pasilidad at iba pang capital expenditures na kailangan para sa disaster response.

Kapag nabawasan naman ng hanggang 50% ang kanilang QRF, sinabi ng DBM na maaari muling humingi ng karagdagang pondo ang mga ahensya ng pamahalaan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here