Home METRO Call center agent patay sa pagsalpok ng motor sa center island sa...

Call center agent patay sa pagsalpok ng motor sa center island sa Maynila

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa center island at tumilapon sa Sampaloc, Maynila.

Isa umanong call center agent ang biktima na galing sa kanyang trabaho at pauwi na sa kanilang bahay hatinggabi ng Sabado.

Dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan, agad nasawi ang biktima.

Ayon sa mga nakakita, mabilis ang takbo ng biktima bukod sa wala itong suot na helmet.

Samantala, sinabi ng barangay personnel na ang gamit ng biktima ay tinangay ng mga tambay.

Sa kuha ng CCTV, nakitang nilapitan ng bystander ang biktima at dinampot ang mga nagkalat na gamit nito kasama ang kanyang cellphone.

Pinayuhan ng barangay ang mga motorista na maging maingat dahil ang lugar ay accident prone. Jocelyn Tabangcura-Domenden