Home TOP STORIES NCR sinuyod ng TRABAHO; dekalidad na trabaho isinusulong

NCR sinuyod ng TRABAHO; dekalidad na trabaho isinusulong

MANILA, Philippines – Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng TRABAHO Partylist sa iba’t ibang lugar sa bansa upang ikampanya ang mga platapormang layong palakasin ang mga manggagawang Pilipino.

Kamakailan lang ay sinuyod ng TRABAHO Partylist nominees na sina Atty. Johanne Bautista at Ninai Chavez ang mga lungsod ng Maynila, Makati, at Navotas kung saan personal nilang kinausap ang mga residente’t manggagawa sa lugar.

Kasama ang celebrity advocate na si Melai Cantiveros, sinuyod din ng TRABAHO Partylist ang lungsod ng Malabon, Pasig at Caloocan kung saan ipinahayag nila ang mga isinusulong ng grupo sa pagpapaangat sa sektor ng paggawa.

Kabilang na rito ang pagbibigay ng patas na oportunidad sa lahat pati na sa senior citizens at solo parents, pagkakaroon ng disenteng trabaho ang bawat Pilipino at pagbibigay-proteksyon at sapat na benepisyo sa mga manggagawa upang umangat ang kanilang pamumuhay sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.

Itataguyod din ng TRABAHO Partylist ang pagsuporta sa maayos na pagpapatupad sa mga polisiyang susuporta sa mga manggagawang Pilipino.

Una rito, lalo pang gumanda ang ranking ng TRABAHO Partylist sa katatapos lamang na survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong ika-15 hanggang ika-20 ng Marso.

Mula sa ika-26 na ranggo noong Pebrero, tumaas pa sa ika-22 ranggo ang TRABAHO Partylist.

Inihayag ng TRABAHO Partylist na ang pagtaas ng kanilang pwesto ay resulta ng lumalakas na suporta publikong kaisa nila sa kagustuhang magkaroon ng magandang benepisyo sa trabaho at maayos na pamumuhay. RNT