Home NATIONWIDE Lola hinigop ng dagat

Lola hinigop ng dagat

PANGASINAN – Isa nang malamig na bangkay ang isang 64-anyos na babae nang matagpuang palutang-lutang sa dagat sa bayan ng San Fabian ng lalawigang ito kahapon, Marso 31.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima na isang biyuda ay residente ng naturang bayan.

Bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang kapatid na pupunta siya sa dagat para maglakad-lakad at maligo.

Nabatid na mag-isang nagpunta sa dagat ang biktima.

Sa inisyal na pagsisiyasat, walang makitang senyales ng foul play sa pagkamatay ng biktima. Rolando S. Gamoso