Home METRO Call center agent sinuwag ng kotse, tigok

Call center agent sinuwag ng kotse, tigok

MANILA, Philippines – PATAY ang isang call center agent makaraang salpukin ng isang rumagasang kotse sa kahabaan ng Quirino Hiway Novaliches, Quezon City nitong Martes ng madaling araw, Marso 25, 2025.

Kinilala ang biktima na si Den Adrian John Viaje, 29, may-asawa, call center agaent at residente ng no. B-1 L-5 GoodWill TownHomes 1, Brgy. Bagbag, Novaliches, QC.

Si Viaje ay nasawi habang ginagamot sa Quezon City General Hospital makaraang dalhin sa naturang ospital.

Ayon sa investigation report ni PSMS Romeo Manzon Jr. investigator ng Quezon City Police District Traffic Sector 2 naganap ang insidente sa kahabaan ng Quirino Hiway corner Pagkabuhay Road, Brgy. Bagbag, Novaliches, QC dakong 1:50 ng madaling araw nitong Martes.

Sinabi sa ulat ni Manzon na tumatawid ang biktima sa pedestrian lane sa naturang lugar nang biglang salpukin ito ng humaharurot na kotse na isang Sedan na kulay puti na hindi naplakahan.

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok tumilapon ng ilang kilometro ang biktima na malubhang ikinasugat nito.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang nakasagasa at iniwan ang biktima sa naturnag lugar.

Ang biktima ay anak ng dating mediaman na si Reden Viaje ng Manila Bulletin.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng Quezon City police traffic upang matukoy ang pagmamay-ari ng kotse na Sedan na nakasagasa sa biktima. (Santi Celario)