MANILA, Philippines – Dumating sa Hague Penitentiary Institute sina Honeylet Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte, ang common-law partner at anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakuhanan ng litrato si Kitty sa security registration area ng kulungan, ngunit hindi pa tiyak kung pinayagan siyang bumisita. Tumanggi silang magbigay ng pahayag ngunit binati ang mga sumuporta sa kanila.
Sa isang pagtitipon noong Linggo, ibinahagi ni Bise Presidente Sara Duterte na ayon sa dating pangulo, hindi maaaring bumisita si Kitty hangga’t hindi pa siya abogado.
Biro naman ni Kitty, “Grabe ang overacting ni Papa,” na nangangahulugang may limang taon pa siyang hihintayin bago makabisita. RNT