Home ENTERTAINMENT Call Me Mother, nangunguna sa MMFF box office ranking!

Call Me Mother, nangunguna sa MMFF box office ranking!

310
0

Manila, Philippines – Tulad ng inaasahan, top grosser ang Call Me Mother headlined by Vice Ganda and Nadine Lustre.

Ang CMM ay ikasampu nang entry ng TV host sa taunang festival–and all this time ay walang palya ito bilang number one sa box office.

Maaga pa lang since all eight entries opened on Christmas’ Day, meron nang trend as to which movies are packing crowds, at kung alin din ang kulelat.

Coming in second ay ang bukod-tanging horror movie in the running–ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.

Medyo bumaba ang gross take ng lahat ng walong entries sa ikalawang araw, December 26 dahil may pasok na sa opisina.

Pero meron ding pelikulang nadagdagan ang sinehang pinagpapalabasan tulad ng Unmarry.

Consistent ang Unmarry sa pag-okupa ng third slot sa box office take.

Crucial ang 4th at 5th slots dahil nagpa-fluctuate o nagsi-seesaw ang kinikita ng Love You So Bad at Bar Boys: After School.

May pagtatalo rin kung alin sa mga pelikulang I’m Perfect at Manila’s Finest ang Number 6 at Number 7.

Pero marami ang nagsasabing konti lang ang lamang ng Manila’s Finest kumpara sa l’m Perfect.

Nananatili namang kulelat o pangwalo ang kalahok na Rekonek.

Ayon sa ulat ng PEP, P1.6M lang ang kinita nito sa unang araw at wala pang isang milyong piso sa second day.

Ang order na ito ay posible pang magbago, lalo’t lumalakas ang kita sa takilya sa weekend showing.

Malaking contributing factor din ang resulta ng Gabi ng Parangal–held last December 27.

Ang mga pelikula kasing nakatanggap ng maraming awards–both acting and technical–ay pumapalo sa takilya.

Pero wala sigurong kokontra na ang top-grossing MMFF entry ay Call Me Mother! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here