MANILA, Philippines- Nagdeklara ang lokal na pamahalaan ng Caloocan nitong Linggo ng state of calamity sa lungsod dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat na pinalakas ng bagyong Carina.
Alinsunod ang deklarasyon sa Sangguniang Panlungsod Resolution No. 4267 -2024.
Binibigyang-daan nito ang paggamit ng lokal na pamahalaan ng emergency funds at implementasyon ng relief operations upang tulungan ang mga apektadong residente.
Ayon sa ulat, 3,035 pamilya o 15,390 indibidwal sa 46 barangay ang apektado ng kalamidad.
Nauna nang nagdeklara ang Metro Manila Council (MCC) ng state of calamity sa National Capital Region dahil sa malawakang pagbaha.
Isinailalim din ang Manila at Malabon sa states of calamity. RNT/SA