Home NATIONWIDE Cambodian deputy PM, VP Sara nagpulong

Cambodian deputy PM, VP Sara nagpulong

MANILA, Philippines- Binisita ni Cambodian Deputy Prime Minister and Foreign Minister Sok Chenda Sophea si Vice President Sara Duterte.

Ayon sa pahayag ng Office of the Vice President nitong Biyernes, naghanda si Duterte ng luncheon para sa Cambodian official noong Miyerkules sa kanyang opisina sa Mandaluyong City.

Sa nasabing pagkikita, sinabi ng OVP na inihayag ni Duterte ang pasasalamat sa Cambodian government at mga tao rito sa kanilang suporta sa kanya nang maupo siyang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO) Council.

Pinasalamatan din niya ang Cambodian deputy prime minister sa ipinaabot na tulong ng kanilang pamahalaan inagurasyon ng Philippine International School of Phnom bilang kauna-unahang Philippine Overseas School sa Mekong Region.

Nanungkulan si Duterte bilang Department of Education secretary mula nang mahalal siyang Bise Presidente noong 2022. Bumaba siya sa pwesto noong Hulyo.

Inihayag din ng OVP na inalala ni Duterte ang nakaraan niyang engagements sa ilangĀ  high-ranking officials at tinalakay ang “wide range of bilateral issues and common challenges in Southeast Asia.” RNT/SA