Home NATIONWIDE Halos kalahati ng KOJC compound nahalughog na ng PNP

Halos kalahati ng KOJC compound nahalughog na ng PNP

MANILA, Philippines- Halos 40% hanggang 50% ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City ang nahalughog na subalit mailap pa rin si Pastor Apollo Quiboloy, base sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes.

Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na nagmula ang impormasyon kay Police Regional Office (PRO) 11 chief Police Brigadier General Nicolas Torre III.

“According to [Torre], more or less nasa around close to 40% to 50% pa lamang yung nai-inspect sa kabuuan. Remember this is more than 30 hectares. May mga buildings pa po silang hindi nai-inspect,” wika ni Fajardo.

“Although, yung kanilang particular focus right now ay meron po. Particularly, in areas na meron po tayong nade-detect na human life underground,” dagdag niya.

Sinabi ng opisyal na iniispeksyon ng mga pulis ang mga pasilidad dahil itinayo ang mga ito upang tumabay sa man-made at natural disasters.

“We are looking at an underground facility made of thick stones, thick metals, at napakatigas po niyang mga yan,” anang opisyal.

“So ganoon po yung hinaharap natin na difficulty, why it’s really taking time to really penetrate this underground facility and to locate yung mga possible ingress and egress dito sa mga underground facility,” dagdag niya.

Subalit, sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy’s lead counsel Atty. Israelito Torreonsa isang ulat na nakumpleto na ng PNP ang kanilang “search last August 24, 2024 at around 9:24 a.m. when their men had to lie down in exhaustion in the KOJC lawns and gardens.”

Dagdag ni Torreon, “[The PNP began its search] on August 24 at 5 a.m. armed only with a single warrant of arrest against Sylvia Cemanes whose address is in Pasig City.” 

“Note that an arrest warrant can never be used as a legal justification to conduct an unbridled and random and omnibus search over the properties owned by another entity,” said Torreon. “It cannot likewise be used as a legal subterfuge to practically convert the said property into a police garrison and prevent the very owners of said property access to its structures and buildings.

“We pray, therefore, that the PNP should stop their illegal occupation of the KOJC premises and leave immediately. Basic decency and Justice demand this,” sabi naman ng PRO 11 commander.

Samantala, itinanggi ni KOJC Minister Carlo Catiil ang pagkakaroon ng umano’y “secret hallways” sa loob ng cathedral sa compound.

“Sa cathedral daw may nadiskubre na lagusan… secret passage. Pag ganyan mo, maganda na lounge. Hindi po. Kabit lang po yun, sir. Cathedral eto sir – wall yan, stage, backstage po yan, pahingahan. Then papasok ka dito, yan na po yung stage namin for service of worship,” aniya batay sa ulat.

“Hindi po yun, wala pong lagusan diyan sir. Dinugtong lang po yung picture. Ibang picture po yung ginamit, sino po yung fake news? Ibang picture ginamit, basement po yun at dinugtong yung maganda po na lounge. At ito na, sir parang pangit po sir,” patuloy niya.

Nagtago si Quiboloy kasunod ng pagpapalabas ng Senado ng arrest order laban sa kanya dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig nito. RNT/SA