Manila, Philippines – Napabalikwas din pala si Camille Prats para maging bahagi ng GMA morning show na TikTokClock.
Supposedly, nai-press release na ng Kapuso network na si Camille ang papalit sa nag-resign na host na si Pokwang.
Nagkaroon na nga ng “soft launch” bilang pagpapakilala kay Camille shortly after the death of the program host Kim Atienza’s daughter, Emman.
Pero napagdesisyunan ni Camille that she’d rather take a much-needed break—hence her backing out.
Hindi naman daw nanghinayang si Camille.
Matatandaang nagbitiw bilang host si Pokwang dahil sa sama ng loob.
Hindi kasi napagbigyan ng GMA management ang hiling niyang raise sa talent fee.
Katwiran ng komedyana, pioneer naman daw siya ng show.
Natural din lang daw na humingi ng dagdag-sahod, lalo’t the program is doing well.
Ikinasama din ng loob ni Pokwang kung bakit kinailangan pa daw siyang ipasulat ng GMA sa pamamagitan ng blind item, na tukoy na tukoy naman siya bilang “mareklamong host-subject.”
As though nais niyang ipamukha sa GMA na hindi siya apektado na she lost a source of income, ikinatwiran na lang ni Pokwang na mas magko-concentrate na lang daw siya sa kanyang thriving bottled food business.
Even then, “negang-nega” tuloy ang dating ni Pokwang sa istasyon, who thought she was indispensable.