Home TOP STORIES Camille Villar, nagpapasalamat sa suporta ng mga Caviteño

Camille Villar, nagpapasalamat sa suporta ng mga Caviteño

Nagpasalamat si senatorial candidate Camille Villar sa suporta ng mga taga-Bacoor, Cavite. Sa flag-raising ceremony nitong Lunes, ipinahayag nina Bacoor Mayor Strike Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola ang kanilang pagsuporta sa kanyang kandidatura.

Ipinangako ni Villar na bibigyang-prayoridad niya sa Senado ang mga proyekto para sa maliliit at katamtamang negosyo, kalusugan ng mga ina at buntis, at dekalidad na edukasyon. RNT