Personal na binisita ni Senator Camille Villar ang mga pamilyang lumikas sa Carcon Village at Balite sa Barangay Lagao, General Santos City kung saan naghatid siya ng relief assistance na binubuo ng bigas, mga pangunahing pagkain, at daan-daang 20-litro na galon ng mineral water para sa mga naapektuhan ng kamakailang magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Kasama ang kanyang kapatid na si Senator Mark Villar, kabilang sila sa mga unang nagpaabot ng tulong sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapadala ng bigas at inuming tubig sa lokal na pamahalaan.
Nakiisa rin sa relief mission sina Senator Robinhood Padilla at General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao, na nakipagpulong sa mga evacuee, nakinig sa kanilang mga hinaing, at nagpahayag ng pakikiisa sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol. RNT