Home NATIONWIDE Camotes Airport project nakakuha ng P120M para sa terminal building – Frasco

Camotes Airport project nakakuha ng P120M para sa terminal building – Frasco

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Camotes Domestic Airport project ng karagdagang P120 milyon ngayong taon para sa konstruksyon ng airport terminal.

Ito ang inanunsyo ni Deputy Speaker Vincent Franco “Duke” Frasco sa social media post nitong Sabado, Nobyembre 2.

“This transformative project will bring significant benefits to the people of Camotes—boosting tourism, creating jobs, providing livelihood, and unlocking new economic opportunities for the islands,” sinabi ni Frasco ng 5th District ng Cebu.

Aniya, ang Camotes at apat iba pang munisipalidad “will soon benefit from the landmark project…”

Noong 2021, nakuha ni Frasco ang inisyal na pondo na P265 milyon mula sa national government para sa airport runway project.

Kinuha ang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM) patungo sa Department of Transportation (DOTr), ang lead agency sa pagtatayo ng ikatlong domestic airport sa Cebu.

Ang Camotes Airport ay matatagpuan sa 27 ektaryang lupain na pagmamay-ari ng provincial government sa San Francisco. RNT/JGC